| Host |
June 24th, 2008 |
For non-tagalog readers, save your comment next post. But, who said you’re obliged to make them?
Alam niyo bang, nakakatamad kapag limang araw kang tatambay sa bahay tapos yung mga kailangan mong gawin (maghanap ng report materials at mag bloghop) ay hindi mo magawa kasi tinatamad ka. Grabe. Mahilig lang naman kasi akong mag-cram. Badtrip kasi yung mga ka-groupmates ko. Pinagtuturo ako maging leader ng group namin. Eh ano ba namang malay ko — gusto ko ako lang uutusan, ayoko ng ako naguutos. Eee, eee, eee. — Eto na lang masasabi ko para sa report namin. Pwede ba? Ayon, ang dami kong games at applications. Nasisiyahan lang naman ako ng sobra kasi may buhay na ulit ang cellphone ko! Kaso lang, namamatay na lang bigla — okay, ganun talaga kapag hindi licensed chorva. Basta, patay patayin din sa battery. Nakakainis kasi alam ko one of these days, masisira na lang talaga yung bulok na cellphone ko. Ano pa ba, yung sychi pinkista net ko, buhay pa yon ha. Baka nakalimutan niyo nang i-link e nandun pa naman kayo sa links no’n — ano raw? Nagpo-post pa rin ako do’n about daily life talaga kaya hindi talaga siya dead site noh. At kumikita pa rin ‘yon. Say niyo? Haha. Seryoso, nagpapasalamat lang naman ako kay Ate Sheryl at hindi niya ako pinapaalis sa pinkista. Ang saya ko lang. Okay, mag blog hop ako hangga’t makakaya ko! — Err. Basta, kakayanin ko para sainyo. Kaya see you later.
236 views ♥ (32) Painters
Filed at Blogs, Cellphone, School, Site ♥
|
|