Kung Fu Panda at iba pa.
July 5th, 2008 5:10 pm 212 Words

Tagalog post again.

Highlight ng week na ito ay ang panonood ko ng Kung Fu Panda. Gusto ko tuloy maging Dragon Warrior. Well, I learnt that you have to believe in yourself — if this is not the moral lesson you got from the movie hala, magdalawang isip na ako kung KUNGFUPANDA ba talaga napanood ko, kidding. Tinatamad pa ako gumawa ng review; next time, next time. HAHA =))

Nabalitaan niyo ba yung gang rape sa PUP? Well ako, nabalitaan ko rin naman. Grabe, sikat yung school namin. =)) Ayoko na lang mareact dito kasi hindi ko naman alam talaga yung nangyari e papapel pa ako, di tulad ng mga iba, salita ng salita di naman alam nangyari talaga kaya kayo mga nagrereact diyan, SSSSSHHH na lang kayo.

May mas importanteng bagay pa akong gagawin e, yung 5-page yellow paper back to back na requirement kay Dr. Apruebo. =)) jusmeyo. Kung alam niyo lang kung gaano ko dinaya ang first page ng requirement na ito at pagkatapos malalaman kong, alam ni Apruebo ang style ng mga estudyante. =)) so baka umulit ako ng first page pero baka lahat na rin kasi maadjust yung mga nalagay ko na. Shit.

Nasa akin na pala ulit yung cellphone ko at sobrang nangapa ako nung una kong magtext =))

107 views ♥ (20) Painters
Filed at Cellphone, School, Updates