Noong monday, dance performance namin at naka 83 lang kami. Hindi ko naman masisi yung prof namin kasi pangit naman talaga yung dance namin. Irrelevant yung steps sa gusto naming iparating. Though yung nag solo part ay nakakuha ng 90. Actually, hindi siya yung dapat na magso-solo kaso late si Rup*, e. Aba, nung nag meeting kami para na naman sa isang performance sabi ba naman nitong si nag solo, “buti na lang andun ako kung hindi…”. Umalis na ako bago niya pa matapos yung sinasabi niya. Baliw ba siya? Kung mas makapal lang mukha ko sakanya, ako na yung nag solo (at nakakuha ng 90 e). Ang yabang yabang niya talaga at ang sarap niyang sapakin sa mukha.
Anyway, nung wednesday naman practice namin para sa next performance. Live music video naman ‘yon at ang pinili naming kanta ay Where is the love ng Black Eyed Peas. Nalaman ko lang na siya na naman yung magiging bida at first at kakanta ng mga rap lines ng kanta. Syempre, umalma na talaga ako. Hindi ko na matatake kung makakakuha na naman siya ng mataas at kami ay background na naman. At salamat, napagbigyan.
So nung thursday, performance day, naging maganda naman yung kinalabasan. At nakakuha kaming lahat ng 99. Nabawi namin ng bongga. Ito nga oh, may mga pictures pa kami nung shirt na dinisplay namin. hahaha

Regalo ko sakanya for her 19th birthday. Naalala ko lang, noong 17th birthday niya HP movie tickets din ang iniregalo ko sakanya. Kasama namin ang ate ko noon. Ngayon, kaming dalawa na lang. Wala na kasi akong panglibre sa ate ko. Hahaha!