For the nth time I’d say, time flies so fast. Parang kahapon lang kakasimula pa lang ng first semester. Ngayon malapit nang matapos, sandamakmak na yung mga utos ng mga prof namin e. Parang kahapon lang nag 18 ako tapos sa September 8, 19 na ako (at bente na si Bisyel).
Siguro kaya ang arte arte ko na naman. Nagpa-lagay pa ako ng nail polish sa classmate ko kahapon habang wala kaming ginagawa. Actually, nainggit lang ako kasi lahat sila meron. Oo, pare-pareho kami ng kulay. Pula.

Noong nakita nga ni mama ang sabi niya, “Bakit dumudugo yang kamay mo?”. Pero pabiro lang naman syempre. Para raw akong pumatay. Doh.
Nakapag palit na nga pala ako ng theme. Hindi ko na masyado pinagaksayahan ng panahon. Gusto ko lang talaga magkaroon ng bagong theme. Para naman ganahan din ako mag blog. Sorry, puting puti naman. Dapat kasi hindi ganito e. Kaso naisipan ko ang pangit ng unang combination ko. Gusto ko naman ang mga kulay na nailagay ko. Hehehe.
Ito naman ang listahan ng mga requirements sa unibersidad:
- Gawing play ang Alamat Ng Gubat ni Bob Ong para sa Humanities
- Gumawa ng independent film para sa Humanities
- Magaral para sa Humanitites at Learning and Cognitive Psychology
- Reporting para sa Abnormal Psychology
Yan pa lang yung naaalala ko. At palapit pa lang naman ang September. Sigurado mas marami nang utos yung mga propesor pag ganon. At akalain niyo, malapit na akong mag shift ng course. Kung hindi Chemistry baka Humanities. Hahaha! Parang major e. Tignan niyo nga, mas marami pa akong ginagawa para sa Humanities kesa sa mga major subjects ko. Helllllloooooo? Hilo na ba kayo?
:angry:


