For the nth time I’d say, time flies so fast. Parang kahapon lang kakasimula pa lang ng first semester. Ngayon malapit nang matapos, sandamakmak na yung mga utos ng mga prof namin e. Parang kahapon lang nag 18 ako tapos sa September 8, 19 na ako (at bente na si Bisyel).
Siguro kaya ang arte arte ko na naman. Nagpa-lagay pa ako ng nail polish sa classmate ko kahapon habang wala kaming ginagawa. Actually, nainggit lang ako kasi lahat sila meron. Oo, pare-pareho kami ng kulay. Pula.

Noong nakita nga ni mama ang sabi niya, “Bakit dumudugo yang kamay mo?”. Pero pabiro lang naman syempre. Para raw akong pumatay. Doh.
Nakapag palit na nga pala ako ng theme. Hindi ko na masyado pinagaksayahan ng panahon. Gusto ko lang talaga magkaroon ng bagong theme. Para naman ganahan din ako mag blog. Sorry, puting puti naman. Dapat kasi hindi ganito e. Kaso naisipan ko ang pangit ng unang combination ko. Gusto ko naman ang mga kulay na nailagay ko. Hehehe.
Ito naman ang listahan ng mga requirements sa unibersidad:
- Gawing play ang Alamat Ng Gubat ni Bob Ong para sa Humanities
- Gumawa ng independent film para sa Humanities
- Magaral para sa Humanitites at Learning and Cognitive Psychology
- Reporting para sa Abnormal Psychology
Yan pa lang yung naaalala ko. At palapit pa lang naman ang September. Sigurado mas marami nang utos yung mga propesor pag ganon. At akalain niyo, malapit na akong mag shift ng course. Kung hindi Chemistry baka Humanities. Hahaha! Parang major e. Tignan niyo nga, mas marami pa akong ginagawa para sa Humanities kesa sa mga major subjects ko. Helllllloooooo? Hilo na ba kayo?








andami namang requirements sa humanities. gudlak
kakabasa ko lang kagabi nung alamat ng gubat. laftrip! hahahahaha
hay. ang kamay ko naman, walang hilig sa nail polish. hahaha. di kasi nasanay bawal kasi sa skul ang may pintura ang kuko. hehehe
hehe! pareho tayo sis, red din ang color ng ped and manicure ko.. ang ganda di ba? parang madugo nga,hahaha! yeah, ang bilis talaga ng panahon, isang araw na lang september, hay.. malapit na naman ang pasko! good luck sa balak ong pagsshift sis!
my humanities was purely art
i dunno why pero what we had on our humanities is drawings, paintings, sketching and other related things
maganda kung Kapitan Sino yung i-dadrama nyo wahihihi
P.S.
i am also wearing the same nail polish that you had. Hindi ka nagiisa haha
Feeling naman kasi ng Humanities major subject sya. Duh. Tapos ang hihirap pa ng activities nyo. Ano ba yan. Ambisyosa.
amp. hahahah! andaming humanities! lol!
ginawa naming play yang Alamat ng Gubat noon dun sa theater org ko. haha. ako si Katang. HAHAHA! “Wala ka nang pag-asa! Binuntis ko na si Dalagang Bukid!” HAHAHAHAH!!!
ako dati natry ko yung nail polish na red na red talaga. as in pure red lang. haha. ang galing lang mukha talaga kong maputi. ahahahah! kaya lang sabi ng friend ko parang pang nanay daw ang kulay na ganun. haha kaya inalis ko din agad. hahaha.
amf nabanggit mo pala ako dito. ahahaha! solomot solomot. and that reminds me. haha. magbablog na rin kasi ako pero nagbloghop muna ako. hahaha!
kailangan naka-indicate na bente na ko? hahaha! amp!
GOODLUCK SA PAGSHIFT! HAHAHAHA! kaloka!
gustong-gusto ko tlaga ang mga kulay ng kuko iba iba.. hahaha bahaghari.. salamat po sa post nyo
Yeah sobrang bilis nga ng oras tas September na. Dami na din requirements eh, naffeel ko na na tinatambakan na talaga kami unti unti haha. Kaya yan, lapit na din sembreak
Hehe.
RED NAIL POLISH! Hehe never ko pa natry yun, usually ako yung natural colors lang e.Ndi ko ata kaya ipull off yung ganung color
nice! lahata kayo nakapulang nail polish? hahaha ayos! nakuuu, ako din, kung ako yung magnenailpolish for sure sira na agad.. di ako marunong mag-alaga ng nail with polish. aww. hahah kaya sa paa lang ako naggaganun! hoho
)
Awww. Sis, IMYSM. ):
Lol, naalala ko ung meron akong BRIGHT RED nailpolish, marami akong napapalingon. Daw papatay raw ako ng tao. Haha. Pero kasi, kapag ngnnailpolish ako, 2-3 days lang tanggal agad. Ambilis humaba ng kuko ko eh. Kapag hindi na pantay, tatanggalin ko na agad. Haha.
yah, finals is sooo near na.. <3 there are some nailpolish na uber madali sha masira.. haha elianto's nice.. maganda colors nila and matagal masira.. but recently, nagamit ko is yung pussy red so it's soooo red talaga.. weird pa nung name noh??
at red pa talaga ha. ayoko ng red sa nails. para kasing tumatanda kamay ko. LOL. sa buong buhay ko ata, hindi talaga ako ng nail polish. yung transparent lang something
)
kapag trip ko lang tyaka ko naglalagay kaso ung kaliwa lang ang maganda kong pagkakalagay pero ung kanan.. wahaaah lampas lampas..
Ay, hindi ako makarelate..
Siguro dahil di pa ko college.
UYYY! Happy birthday!
Haha, natawa naman ako ng bongga sa banat ng mama mo, bakit dumudugo yang daliri mo bwhaha, panalo yun as in, hahahah