Busyohorrible.

Show ▼

Well, I’m not really busy. Malas lang talaga ang schedule ko! Can you imagine, 6pm ang uwi every monday tapos dadating ka sa bahay ng 9pm (dahil sa mahabang pila ng fx at traffic sa daan). The next day naman, 7:30am ang pasok na ang gising naman ay 3:30AM para lang makaabot sa walang-pila sa terminal.

Puro kamalasan inabot ko nung monday at kahapon. I will tell you, pero please don’t laugh. Oh eto na, nung monday kasi sa Phil Lit namin, may “drama” chorva kami sa class. So nung bago kami magperform, tumayo na kami at naupo ako sa armchair ng chair ni Tin (nakaupo siya non). Eh bigla na lang siyang tumayo! Ayun, all eyes on me! They were trying to get me up pero tawa ako ng tawa kaya medyo matagal bago ako nakabangon.

Kahapon naman, super shower ng ulan. Syempre, nabasa yung shoes ko. Feeling ko, nabaha na rin pati loob ng sapatos ko! Eh yun nga, pag tapos ng walang hiyang driver sa bus na umaandar habang nagbababa, naglakad na ako papuntang SM North.

Pag dating ko sa SM, lakad ako ng lakad. Halos isang oras ko sinuyod ang mall para maghanap ng magandang dress. May mga nakita naman ako, hinihintay ko na lang si mama kasi siya yung may pera. Mga 6pm na ata no’n, naisipan ko na umupo. Naupo ako do’n sa Mister Donut pero bumili pa ako kasi nakakahiya naman kung makikiupo lang ako (at gutom na rin ako, syempre.) Eto talaga yun e, naramdaman ko na lang na tumatawa na pala yung magkabila kong sapatos! Yes, yes and yes. Sira na silang pareho!

Buti na lang, binili ako ni mama ng slippers! Kung hindi, napaka ganda ko no’n! Sobra. At grabeness, lahat ng napili kong dress, ayaw niya. So napamahal pa tuloy ako (sa share ko!) at wala na akong pera. BOW.

HOP NA AKO. =))

This entry was posted on Wednesday, June 18th, 2008 at 9:37 am and is filed under Bad, Boy, School. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

21 Responses to “Busyohorrible.”

  1. JoelleNo Gravatar Says:

    WHOA parang ambilis naman nasira nung shoes mo. Haha pero talaga I enjoyed this entry kasi natawa ako. XD

    Hindi ko ata ma-take na anlayo nang kino-commute mo araw-araw. Hindi ko kaya yon!

    Sige enjoy-enjoy nalang ulit, kahit mashado kang pinapa-busy. Hehe enjoy ka naman po di ba? Miss ko ang school sa Pinas eh.

  2. CharmNo Gravatar Says:

    hala. GRABE naman.
    Nakakapagod yung mag-commute ng ganyan. di ko kakayanin yan. Ang tyaga mo ah. :D

    Kamusta naman yung shoes mo.. tumatawa.. HAHA. Mabilis talaga masira ang sapatos kapg nababasa ng ulan. kaya ako, madalas may dalang slippers dahil bahain dito samin. XD

  3. CatzieNo Gravatar Says:

    Kulit ng mga nangyayari sayo.. :) ) Nakakainis pag binabaha ng tubig ang shoes eh. Nangyari sakin dati yun eh, pero buti di bumuka. Kumulubot lang tapos may konting-konting buka sa gilid.

    Ang hirap ng sched mo. Grabe, ang hirap ng sched mo. pag mga 6-7 nga ang gising di ko na kaya eh, tapos yung gising mo 3Am pa. :o Ang mahirap naman sa sched ko, puro 7PM ang uwi.

  4. KistyNo Gravatar Says:

    Grabe. Haha.

    Almost parehas tayo ng uwi. Hindi kasi ako pwedeng mag-commute ngayon dahil hinahasa akong mag-drive sa manual. So ang nangyayari, nagpapasundo ako once naihatid na mga kapatid ko sa bahay. Edi syempre, mga 6PM pa makaalis yung driver ko. Eh mga 7PM siya makakarating sa school, sa Ortigas, so rush hour. Tapos syempre, mabagal din ako mag-drive kasi ayaw ko magasgasan yung car plus traffic. Oh, edi voila. Wala na akong magagawa sa bahay pag-uwi.

    And alam mo ba kelan out ko? 4:30PM, kasi ayaw ko nga matapos mga classes ko ng 6PM. Kung alam ko lang, edi sana.. Nag-add pa ako ng subjects until 6PM. XD

  5. AishaNo Gravatar Says:

    LOL
    ANAK NG KAMALASAN YAN oo..
    kakaloka amp HAHA

  6. RachelNo Gravatar Says:

    oh bakit naman ganoon ang shoes mo nakuh need talaga ng matibay na shoes lalo pa ngayong tag-ulan hay

  7. AprilNo Gravatar Says:

    Andaming kachorvahang nangyare sayo sis. Grabe. Sayang yung shoes. At ang choosy ni Mommy mo. Haha. Sya ba magsusuot nun? Hehe!

  8. DHADHANo Gravatar Says:

    grabe talaga dyan noh? super traffic.. mabuti nalng dito samin kasi wla masyadong traffic.. hehe.. kelangan mo talaga gumising ng maaga para lng d mahuli ng dahil lng sa bwiset na traffic.. tsk tsk tsk..

  9. BernadethNo Gravatar Says:

    kaloka ang araw mo haaa!

  10. jhoiceNo Gravatar Says:

    Nukx sis cLose na kau?ahihi!!
    Grabe sis, ang aga mu nmn ggzng 3:30am?
    tpos gv kndin nkakauwi. ang hrap tlga ng nagcocommute no!!!
    Wahehe sis, pasawaii kah..ahaha.. ngyri ndin kaya sken yan hlig q dn umupo s armchair,ahaha!! center of attrction b,LOL!

  11. AicheeNo Gravatar Says:

    hahaha. pag minamalas ka nga naman. pero atleast you got to buy a dress? haha.

    nako! and i thought getting up at 5 frickin am was the worst thing ever. di pala. hahaha. kaloka bells!

  12. KarenNo Gravatar Says:

    okay lang yan nu ;) hehe.. pero ang malas nung sa ulan. grabe naman.. hahaha.. atleast may bago kang tsinelas. o ha! hahaha..

  13. ishiiNo Gravatar Says:

    sarap sapakin nong lalaki na un .. ang tyaga mo naman kahit umuulan .. ako tatamarin lumabas o maglakad-lakad kahit nasa SM pa..

  14. aikaNo Gravatar Says:

    oh horrible it is,,.lol
    although i feel bad for ur shoes!lol

  15. FiaNo Gravatar Says:

    ay hija, minalas ka nga. Naalala ko tuloy nung friday the 13th, andaming nadisgrasya sa stairs. tsktsk.

  16. pamNo Gravatar Says:

    jusko. bibili ata ako ng chopper kung ganyan ang schedule ko. hahahahaha. :) ) grabe. xD ganon kahaggard ever!

  17. BeccaNo Gravatar Says:

    Grabe naman yung mga nangyari sa yo! Meron akong kaklase na ganun din ung nangyari. Muntik na mahulog. xD

    Buti na lang nakabili ng slippers!

  18. chesterNo Gravatar Says:

    i think i’ll die with yer schedule. gahd. it’s killing.

  19. Lovely-LHNo Gravatar Says:

    lols anak ng kamalasan naman oh =))

  20. masayaNo Gravatar Says:

    naku mabilis talaga masira mga shoes pag tag-ulan. baha samin sa may UST kasi dun kami nagre-rent ng apartment… yun pinsan ko nasira rin shoes nya nung bumaha. kaya advisable talagang laging may dalang slippers. hehe

    good luck sa school! :D

  21. kriselNo Gravatar Says:

    naku sis! bad day nga… kasama tlaga yon sa buhay college. hehehe

Leave a Reply