| BWISIT. |
July 16th, 2008 |
Hindi ko ba malaman kung anong uunahin kong ikwento. Ang daming bwisit na pangyayari nitong nakaraan na mga araw. Magiging random pala itong post na ito at maaaring maging mahaba. Bahala ka kung di ka magbabasa, basta wag ka na lang magcomment kung wala rin namang konek sasabihin mo, okay? Nasabi ko na sainyo yung report para sa Social Psychology diba? Ako nga yung leader do’n kahit hindi ko feel. Approval na namin next friday pero wala pa rin kaming nagagawang matino. Yung isa kong ka-group na pala absent, hindi ko alam kung paano ko hahagilapin. Parang everytime na magsasabi ako na magkakaroon kami ng meeting the next day (yung seryoso na) bigla siyang hindi papasok. Sobrang inexpect ko na rin naman yon kasi mas madalas nga naman siyang absent kesa sa pumasok. Show ▼ Another thing, noong lunes sobrang umulan. Napaka lakas para bumaha ang 6th floor ng PUP. Inaya ko yung classmate ko na magpa xerox na siya at para makabili na ako ng makakain ko. Sa west stairs kami bumaba, at sobrang ingat na ingat ako maglakad noon dahil nga basa. Show ▼ Tungkol naman sa love chorvacles. Hindi ko ata nabanggit na may nanghingi ng number ko. Schoolmate ko yon dati at pinagpapantasyahan ko yon noong summer dahil ilang beses ko siya nakita at feeling ko, naging HOT looking siya. HAHA =)) pero ayon nga, Show ▼ Masyado nang mahaba pero okay lang, ano naman ngayon? :)) magaaral na ako ng mabuti at magplurk LOL =))
161 views ♥ (33) Painters
Filed at Bad, Boys, School ♥
|
|
| Busyohorrible. |
June 18th, 2008 |
|
Well, I’m not really busy. Malas lang talaga ang schedule ko! Can you imagine, 6pm ang uwi every monday tapos dadating ka sa bahay ng 9pm (dahil sa mahabang pila ng fx at traffic sa daan). The next day naman, 7:30am ang pasok na ang gising naman ay 3:30AM para lang makaabot sa walang-pila sa terminal. Puro kamalasan inabot ko nung monday at kahapon. I will tell you, pero please don’t laugh. Oh eto na, nung monday kasi sa Phil Lit namin, may “drama” chorva kami sa class. So nung bago kami magperform, tumayo na kami at naupo ako sa armchair ng chair ni Tin (nakaupo siya non). Eh bigla na lang siyang tumayo! Ayun, all eyes on me! They were trying to get me up pero tawa ako ng tawa kaya medyo matagal bago ako nakabangon. Kahapon naman, super shower ng ulan. Syempre, nabasa yung shoes ko. Feeling ko, nabaha na rin pati loob ng sapatos ko! Eh yun nga, pag tapos ng walang hiyang driver sa bus na umaandar habang nagbababa, naglakad na ako papuntang SM North. Pag dating ko sa SM, lakad ako ng lakad. Halos isang oras ko sinuyod ang mall para maghanap ng magandang dress. May mga nakita naman ako, hinihintay ko na lang si mama kasi siya yung may pera. Mga 6pm na ata no’n, naisipan ko na umupo. Naupo ako do’n sa Mister Donut pero bumili pa ako kasi nakakahiya naman kung makikiupo lang ako (at gutom na rin ako, syempre.) Eto talaga yun e, naramdaman ko na lang na tumatawa na pala yung magkabila kong sapatos! Yes, yes and yes. Sira na silang pareho! Buti na lang, binili ako ni mama ng slippers! Kung hindi, napaka ganda ko no’n! Sobra. At grabeness, lahat ng napili kong dress, ayaw niya. So napamahal pa tuloy ako (sa share ko!) at wala na akong pera. BOW. HOP NA AKO. =))
128 views ♥ (21) Painters
|
|