BWISIT.
July 16th, 2008 12:45 pm 516 Words

Hindi ko ba malaman kung anong uunahin kong ikwento. Ang daming bwisit na pangyayari nitong nakaraan na mga araw. Magiging random pala itong post na ito at maaaring maging mahaba. Bahala ka kung di ka magbabasa, basta wag ka na lang magcomment kung wala rin namang konek sasabihin mo, okay?

Nasabi ko na sainyo yung report para sa Social Psychology diba? Ako nga yung leader do’n kahit hindi ko feel. Approval na namin next friday pero wala pa rin kaming nagagawang matino. Yung isa kong ka-group na pala absent, hindi ko alam kung paano ko hahagilapin. Parang everytime na magsasabi ako na magkakaroon kami ng meeting the next day (yung seryoso na) bigla siyang hindi papasok. Sobrang inexpect ko na rin naman yon kasi mas madalas nga naman siyang absent kesa sa pumasok. Show ▼

Another thing, noong lunes sobrang umulan. Napaka lakas para bumaha ang 6th floor ng PUP. Inaya ko yung classmate ko na magpa xerox na siya at para makabili na ako ng makakain ko. Sa west stairs kami bumaba, at sobrang ingat na ingat ako maglakad noon dahil nga basa. Show ▼

Tungkol naman sa love chorvacles. Hindi ko ata nabanggit na may nanghingi ng number ko. Schoolmate ko yon dati at pinagpapantasyahan ko yon noong summer dahil ilang beses ko siya nakita at feeling ko, naging HOT looking siya. HAHA =)) pero ayon nga, Show ▼

Masyado nang mahaba pero okay lang, ano naman ngayon? :)) magaaral na ako ng mabuti at magplurk LOL =))

163 views ♥ (33) Painters
Filed at Bad, Boys, School