| Chicken |
August 9th, 2008 |
May bago akong theme kaso hindi bongga. Gusto ko lang ng blue - ayoko naman ibalik yung dati lang na blue kaya ginawa ko ito, madalian lang kasi ico-compute ko pa yung evaluation sa reporting namin. Btw, we flunked the 2nd and last day of our report. Which is quite expected. Kanina may seminar sa school (students din yung host), about Psychopathy. Gusto ko sana manood/makinig kaso gusto ko na rin umuwi e. Kaya umuwi na lang ako kasi matagal pa yon hanggang 4pm. Pero interesting kasi yung bulletin nila, meron pang profiles ng mga criminals kaya nasabi ko sa sarili ko na magse-search ako mamaya kapag uwi ko. At ginawa ko naman. Marami akong tinype bago ko naisipan na list of criminals ang mas okay na keywords. Aba, meron nga. Wikipedia. Pero meron pang laugh trip e. Yung 2nd sa search, List of criminals in Power Rangers: S.P.D. Okay, WTF. Oha, ang saya ng search ko! Naloka ako, talagang nakalagay yung mga names na kung anu ano. Anyways, about sa criminals. Sobrang nakakaawa yung mga victims ngunit nakakaawa rin naman yung mga taong gumawa noon. I mean, malamang meron silang mental disorder. Yung iba talagang may background na nagpro-project sa pinaggagawa nila. Ito yung gusto kong malaman kung bakit ako nag psychology e. Kaso dahil hindi ko naman feel ko yung field of work (kahit gusto ko maging doctor) kaya sa industrial setting ako. Parang ang saya pagaralan. - - - Nacompute ko na yung evaluation namin. I got the 2nd lowest point. Feeling nila siugro, wala akong ginawa e ang dami dami ko ngang ginawa e! Siguro dahil secretary sa class yung groupmate ko kaya binigyan nila ng mas mataas na mark. Hindi sa hindi siya deserving. I did all the printing at lahat lahat. I was there to explain their reports… lagi ni Jhaine sinasabi na, Keiyt, ikaw na. I think I don’t deserve that evaluation. I really don’t.
49 views ♥ (8) Painters
Filed at School ♥
|
|
| Oh hey. |
August 6th, 2008 |
First of all, I want to thank Ate Mica (for hosting and helping) and Ate Sheryl (for helping, too). For those who did not know, I changed host. Well, I thought I will be starting all over pero I did the restoring manually. Everything looks the same, right? Tell me na lang if there’s something wrong. It was our first day to report yesterday (and the last day is on friday). I can say that we did fairly well. I’m excited to finish this semester with even getting a grade of two in Social Psychology. That seems to be still ambitious. But who knows? Maybe I will get more than two. I will be attending Roxanne’s (my friend) debut on Saturday. Some won’t attend because it is midterm-season. So they are pilled up with things-to-do. I am going. Treat before hell week starts. See you later.
70 views ♥ (17) Painters
|
|
| BWISIT. |
July 16th, 2008 |
Hindi ko ba malaman kung anong uunahin kong ikwento. Ang daming bwisit na pangyayari nitong nakaraan na mga araw. Magiging random pala itong post na ito at maaaring maging mahaba. Bahala ka kung di ka magbabasa, basta wag ka na lang magcomment kung wala rin namang konek sasabihin mo, okay? Nasabi ko na sainyo yung report para sa Social Psychology diba? Ako nga yung leader do’n kahit hindi ko feel. Approval na namin next friday pero wala pa rin kaming nagagawang matino. Yung isa kong ka-group na pala absent, hindi ko alam kung paano ko hahagilapin. Parang everytime na magsasabi ako na magkakaroon kami ng meeting the next day (yung seryoso na) bigla siyang hindi papasok. Sobrang inexpect ko na rin naman yon kasi mas madalas nga naman siyang absent kesa sa pumasok. Show ▼ Another thing, noong lunes sobrang umulan. Napaka lakas para bumaha ang 6th floor ng PUP. Inaya ko yung classmate ko na magpa xerox na siya at para makabili na ako ng makakain ko. Sa west stairs kami bumaba, at sobrang ingat na ingat ako maglakad noon dahil nga basa. Show ▼ Tungkol naman sa love chorvacles. Hindi ko ata nabanggit na may nanghingi ng number ko. Schoolmate ko yon dati at pinagpapantasyahan ko yon noong summer dahil ilang beses ko siya nakita at feeling ko, naging HOT looking siya. HAHA =)) pero ayon nga, Show ▼ Masyado nang mahaba pero okay lang, ano naman ngayon? :)) magaaral na ako ng mabuti at magplurk LOL =))
163 views ♥ (33) Painters
|
|