Happenings

Missed me?  Sweet! I’m gone for super weeks and sure, I missed blogging, too! Alright, I’m going to list the things I did the past few days.

So last week, typhoon Ondoy hit the Philippines – Metro Manila was in mud flood. Nakatira kami sa mataas na lugar so hindi kami binaha. Pero yung mga classmates ko mga nakatira sa Marikina, Pasig, Rizal at Taguig – mga lugar na sobrang na-apektuhan. So kahit paano, ayon sa mga kwento ng mga kaibigan ko, parang alam ko na rin kung ano ang feeling ng masagasaan ng baha ang bahay. My classmates and I volunteered. I really wanted to help plus go out! I swear, I was turning into pig! Anyway, the experience was cool. I worked at the first station, rice packing. Ang dami kong na-transfer na bigas ha! Super ang sakit sa likod kasi naman yung pwesto ko. It was all worth it though! Lalo na yung si kuya nagbibigay ng sandwich. I know right? I didn’t go there para mag sight-seeing pero wala e, lumapit na yung sight!  I couldn’t resist! One day lang naman pagnanasaan e, why not? Great day except for not seeing sandwich boy for the very last minute I walked out the room! Haha!

Meron ding surprise sa akin – at sa mga classmates ko – nagparamdam na yung classmate namin na umattend lang ng klase for 3 months noong first year! First college friend ko yon so parang natuwa talaga ako! Ayon na nga, may anak na siya. Although she already gave me a clue before she disappeared, parang may tampo pa rin na sana man lang sinabi niya sa akin diba. Pero tapos na yon, good thing she’s fine naman pala!

Friendster pa e, noh?

Sa Friendster pa talaga! Buti na lang sinabi sa akin ng classmate ko (dahil nag pre-Friendster pa rin siya), kung hindi – hindi ko talaga mababasa ‘yan!

Last na, natapos ko na yung Shining Inheritance!!! Sobrang umiyak ako sa series na ito. Ang corny nga lang ng ending, I expected more lang siguro. Maganda talaga at ang pa-papable ng mga lalaki haha. Syempre, gusto ko na naman maging gano’n ka-kulay ang buhay ko! Pero sorry, mukhang hindi ata ako makakatagpo ng isang matandang mabait na iiwan sa akin ang kayamanan niya dahil dito sa Philippines, madadamot ang mga tao at ibibigay lang ang mga kayamanan sa mga kamag-anak talaga. :whistle:

BrilliantLegacyChart

Thank you DramaWiki for the image above.

11 comments

  1. Vinmark says:

    haha nataa ako dun sa sandwich boy. hahahha.. teka ako ata un eh. haha jk lng. anyways. happy that you were safe!!!

  2. Siguro may mga bagay lang na mahirap talaga ma-open up ng agad agad.. at least safe siya dba? hehe.. wow, ang sarap ng feeling ng nakakatulong nu :)

  3. geneve says:

    wow buti pa ikaw nakapag volunteer.Gusto ko din mapanuod ng maayos shining inheritance kaso nakakatamad mag load ng videos online eh.hehee…

    lol.wala talagang mayaman na magbibgay ng pera sa di nya kakilala siguro ako din di ko din bibigay sa di ko kakilala yung pera ko xD

  4. MIMING says:

    wow.. welcome back to blogging sis. hahaha.same tayo..uy!!! namiss kita! huhuhuhu..dami kong namiss na post dito sa bloggie mo..huhuhuh..di na ako updated sayo..O.o

    ingat ka lagi sis!! LABYOOO!!!
    xoxo, MIMING

  5. krisel says:

    yeah, medyo matagal tagal ka rin ngang nawala sis.. anyway! welcome back sis!

    wow! buti ka pa nakapagvolunteer sis, plan din sana ng mga friends ko kaya lang may work eh, pero nag donate naman kami ng mga damit.

  6. kathrinx™ says:

    webee sa blogosphere sis.. same tau.. mejo now lhan din ako nakapag’update eh..haha.

  7. Kimeh says:

    Kulang na rin time para magblog noh? x(

  8. clarisse says:

    it’s nice of you to volunteer. :] we’re from PNGASiNAN so we’re not really much affected. thank God! haha.. SHiNiNG iNHERiTANCE is already over? *bummer!

  9. bianca says:

    wow so nice of you that you volunteered yourself to help and serve the typhoon victims. i wish i was there helping too. it’ really heart warming when you help other people. good thing that your place wasn’t affected by the flood. TC!

  10. Karen says:

    Wow, buti ka pa naranasan mong mag volunteer. Gusto ko din sana, kasi may cousin ako na active sa red cross, kaso.. ewan. tsk ..

    Buti yung place nyo mataas. Kami din naman mataas, pero inabot parin ng flood. Pero hanggang ankle lang sa loob ng bahay. Pero sa labas, abot waist line. And to think, yung street lang namin ang naganon. Hahaha! anak ng tokwa yan. =D

  11. Sandra says:

    sis! and i guess im back too? HAHAHA oh yes. grabe namiss ko kayo infairness ah! grabe talaga. butinalang im back na! WOOH :) ) hahaha. anyways, buti nagparamdam na uli ang friend mo. that’s good. at least diba? grabe.. ang aya siguro kung may reunion kayo! ^_^

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*